Pages

Tuesday, July 10, 2012

Finish Line

Habang naghihintay ng alas siyete ng gabi, tumambay muna ako sa McDo kasama ang isa sa aking mga paboritong awtor na si Donald Miller. Ansarap pagsamahin ang kombinasyong McCafe premium brewed coffee at ang librong "Searching for God Knows What". At bakit ako andito? Sa kadahilanang hindi natuloy ang aming naka-antabay na pagpapa-masahe ng aking paboritong kaibigang itago natin sa pangalang Co (pasintabi po sa iba kong kaibigan).

Ang kape, ang libro, ang jeep, ang Bugong, at ang 'we deliver' .
Nakaka-aliw rin pala ang tanawin sa 2nd flr ng McDo Vega. Samu't-saring galaw ang makikita. Nakikita mo ang hindi nakikita ng nasa ibaba. Sa likod ng aking isipan, habang ginagawa ang pagbabasa, pakikinig ng 'Summer Sampler' album, pag-inom ng kape, panonood ng kalsada mula sa ikalawang palapag; ay ang nalalapit na katapusan ng linggong ito. At napatanong ako sa aking sarili, ano nga ba itong paghihintay na ito? Bakit mahirap ang bandang hulihan? Kahit alam ko na maganda ang istorya, pero parang ang layo nya mula sa abot ng aking tanaw.

Sabi nga ng papa ko pinakamahirap talaga kapag malapit ka na sa finish line, ubos na ang lakas mo pero hindi ka pa rin nakakarating sa itinakdang paroroonan. Para sa akin, dito na papasok ang tinatawag na grasya at pagtitiwala, yun tipong wala ka nang magagawa kundi ipagpaliban sa Diyos ang hindi mo kayang mag-isang tapusin. Hindi bale, sa bandang huli naman ay mas makikilala natin ang Maylikha ng lahat pati ng finish line.

No comments: